Pag-ibig na kay ganda

Sa paggising ko sa umagang kay ganda
Lahat ng bagay ay makulay at puno ng ligaya
Ang mga ibon ay umaawit, nagbibigay sigla
Sumasamba sa Diyos na Siyang sa atin ay lumikha.

Ang maghapon ay punong-puno ng biyaya
Pagkat ang buhay ko’y sa Diyos iniaalay
Ang tangi kong hangad ay makapiling Siya
Sa umaga’t hapon, sa gabi at magpakailanpaman.

Ikaw ang tangi kong mahal, ang buhay ko
Sa ‘Yo ko lang nadarama, pag-ibig na kay ganda
Pangarap ko sanang mapaglingkuran Kita
At makapiling Ka sa buhay na walang hanggan.

No comments:

Post a Comment