Arnel Aquino, SJ
Koro
Bayan, magsiawit na! Bayan, pinagpala ka!
Dakilang biyayang pangako Niya sumilay na!
Sinauna Mong hangarin ang tao nga'y tubusin.
Upang Siya ay makapiling, mapag-irog na Diyos natin.
Sa aba Niyang pagkatao, sa buhay Niya sa mundo.
Inihayag Kanyang puso, Tinig ng Ama nating Diyos.
Pananatili N'yang tunay, 'Spiritung ating,
Kahulugan at pag-asa, pagmamahal at biyaya!
Bawat Sandali
Philip Gan - Manoling Francisco, SJ
Bawat sandali dalangin ko'y binibigkas,
Nang masilayan Kang maaliwalas,
Nang ibigin Ka, Panginoon, buong wagas
Nang aking masundan ang 'Yong bakas
Bawat sandali hangad Kita ang siyang landas.
Bawat sandali dalangin ko'y binibigkas,
Nang masilayan Kang maaliwalas,
Nang ibigin Ka, Panginoon, buong wagas
Nang aking masundan ang 'Yong bakas
Bawat sandali hangad Kita ang siyang landas.
Subscribe to:
Posts (Atom)