Ang Tawag Niya

Timoteo Jose M. Ofrasio, SJ
Eduardo P. Hontiveros, SJ

Ang tawag N'ya'y maririnig
ng bawat pusong umiibig sa matuwid.
Ang tawag N'ya'y 'sang paanyayang 
katarunga'y panindigan.

Sa tawag N'yay ay sumunod, 
tulad ni Kristong paghahandog ay malugod.
Kailangan ay paglimot nang ganap
sa sarili nating hanap.

Ang tawag N'ya ay kaloob sa bawat taong
nagnanais na maghandog.
Ng buhay N'ya upang gugulin
sa kapwang dapat mahalin.

Sa tawag N'ya ay may paghamon 
na tanggihan ang sariling nasa ng loob.
Kailangan ay lubos na paglimot
sa hilig nating masunod.

Kailangan ay lubos na paglimot
sa hilig nating masunod.

Mamuhay Tayo

Lucio San Pedro

1. Mamuhay tayo ng banal sa daigdig na papanaw samantalang naghihintay para sa dakilang araw ni Hesus, Poong Marangal.

2. Ang sabi ni Hesukristo, talagang darating ako at bibigyan kong totoo ng gantimpala ang tao sa ginawa niya sa mundo.

Koro: Darating, darating ang hinihintay, darating, darating, Poong Kinasasabikan ng mga bansa at bayan, napupuspos ng kariktan ang tahanan ng Maykapal. (Awitin ang 2 at koro)

Previous Posts

Posts in our Archive