Mamuhay Tayo

Lucio San Pedro

1. Mamuhay tayo ng banal sa daigdig na papanaw samantalang naghihintay para sa dakilang araw ni Hesus, Poong Marangal.

2. Ang sabi ni Hesukristo, talagang darating ako at bibigyan kong totoo ng gantimpala ang tao sa ginawa niya sa mundo.

Koro: Darating, darating ang hinihintay, darating, darating, Poong Kinasasabikan ng mga bansa at bayan, napupuspos ng kariktan ang tahanan ng Maykapal. (Awitin ang 2 at koro)

Alay Namin

Fr. Carlo Magno Marcelo
Koro: 

Alay namin sa iyong pagdating, kabutihan, pag-asa't mga pusong tapat. Samo namin ay iyong dinggin, galak at kapayapaan nawa ay kamtin.

Itong alak at tinapay, mga bungang alay: halo ng pawis at biyaya ng langit. Sa aming pag-ibig sa kapwang kapatid, bubunga ng buhay na iyong bigay. (Koro)

Previous Posts

Posts in our Archive