Rolando Tinio - EP. Hontiveros S,J
Di ba't sadyang may kapwa ang sariling
Dapat hainan ng pagsisilbi?
At mamangha: ligaya'y dadalisay,
Pag sa kapwa buhay mo ay naalay.
Bawa't galing gamitin sa paglingap.
Laging damhin kung may naghihirap.
At tandaan: ganyang pagmamahalan,
Unang-unang atas ng kabanalan.
Tanda ng Kaharian ng Diyos
Lui Morano, Manoling Francisco S,J
(KORO)
Humayo na't ipahayag, kanyang pagkalinga't habag
Isabuhay pag-ibig at katarungan, tanda ng Kanyang kaharian!
1. Sa panahong tigang ang lupa, sa panahong ang ani'y sagana,
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan, sa panahon ng kapayapaan.
2. Ang mga dakila't dukha, ang banal at makasalanan,
Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan, ang lahat ay inaanyayahan.
3. Sa 'ming pagdadalamhati, sa 'ming pagbibigay-puri,
Anupamang pagtangis, hapo't pasakit, ang pangalan Niya'y sinasambit.

Subscribe to:
Posts (Atom)