Nathan Dublin
Tulad ng usang uhaw sa tubig ng batis.
ang aking kaluluwa sa 'Yo'y nananabik.
Sa Iyong dambana ako'y aawit, sasamba.
Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba.
Koro:
Ikaw lang Panginoon, lakas ko't tanggulan.
Pusong tigib sa hirap, Ikaw ang tanging asam.
Ang pagod kong diwa ay Iyong pahupain.
Magdamag na pagtangis sana ay aliwin.
Masdan ang wangis kong hanap ang Iyong langit.
Bagabag na kalooba'y punan ng pag-ibig.
Tulad ng usang uhaw sa tubig ng batis.
ang aking kaluluwa sa Yo'y nananabik.
Sa Iyong dambana ako'y aawit, sasamba.
Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba.
Tanging hangad ng buhay ko'y Ikaw, walang iba.
Ang Tanging Alay Ko
Dan Naguid
Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus.
Ako'y inibig Mo, at inangking lubos.
Koro:
Ang tanging alay ko sa 'Yo aking Ama,
Ay buong buhay ko, puso at kaluluwa
Hindi makayanang makapagkaloob:
Mamahaling hiyas ni gintong nilukob.
Ang aking dalangin, O Diyos, ay tanggapin
Ang tanging alay ko, nawa ay gamitin
Ito lamang, Ama, wala nang iba pa aking hinihiling.
Di ko akalain na ako ay bigyang-pansin.
Ang taong tulad ko'y di dapat mahalin.
Aking hinihintay ang 'Yong pagbabalik, Hesus
Ang makapiling Mo'y kagalakang lubos.
Salamat sa Iyo, aking Panginoong Hesus.
Ako'y inibig Mo, at inangking lubos.
Koro:
Ang tanging alay ko sa 'Yo aking Ama,
Ay buong buhay ko, puso at kaluluwa
Hindi makayanang makapagkaloob:
Mamahaling hiyas ni gintong nilukob.
Ang aking dalangin, O Diyos, ay tanggapin
Ang tanging alay ko, nawa ay gamitin
Ito lamang, Ama, wala nang iba pa aking hinihiling.
Di ko akalain na ako ay bigyang-pansin.
Ang taong tulad ko'y di dapat mahalin.
Aking hinihintay ang 'Yong pagbabalik, Hesus
Ang makapiling Mo'y kagalakang lubos.
Subscribe to:
Posts (Atom)