Awit ng Pasasalamat

E.P Hontiveros, SJ

Koro
Salamat sa D'yos, at Siya'y ang ating Tagapagligtas;
Kanyang kabutiha'y ating isasaysay.
Tayo ay magalak, Kanyang papuri'y aawitin.
Nilupig N'ya ang ating mga kaaway.

O makatarungang D'yos, hukom ng sanlibutan.
Tanggulan sa oras ng panganib at kamatayan.

Sa Iyo'y nagtitiwala ang mahal Mong bayan.
Ang sa 'Yo'y dumulog, 'di Mo pababayaan.

Koro2
Salamat sa D'yos, at Siya'y ang ating Tagapagligtas;
Kanyang kabutiha'y ating isasaysay.
Tayo ay magalak, Kanyang papuri'y aawitin.
Nilupig N'ya ang ating mga kaaway.

Awit ng Pagsuyo

Silvino Borres Jr. SJ - Manoling Francisco, SJ

KORO:
Bawat naming sambitin,
Bawat naming awitin,
Ay papuri't parangal sa 'yo.
Pakinggan mo, Inang mahal
Ang awit ng pagsuyo.

O mahal naming Ina aming galak at saya,
Kandungin, aliwin kami sa oras ng pighati.

Kalangita'y nagdiriwang sa karangalang nakamtan.
Puso mong kay wagas kanlungan ng Tagapagligtas.

KODA:
Ang awit ng pagsuyo. Bawat naming sambitin
Bawat naming awitin ay awit ng pagsuyo

Previous Posts

Posts in our Archive