Arnel Aquino, SJ
1.Ipinagkaloob ng Diyos sa atin, marilag at masaganang bayan.
May halik ng amihan, may haplos ng habagat,
May dalang alay ang lupa at dagat, at mapaglaro ang araw at ulap.
2.Ipinagkaloob ng Diyos sa atin, ang magiliw N'yang pag-ibig at habag.
Nilikha ang magulang, kababaya't kaibigan.
Bukod-tangi ang abang kapatiran. Sa lahat ng sandali may karamay.
Koro 1:
Kapayapaan, ating dasal para sa bayan nating mahal.
Yaman din lamang, at minarapat N'yang gawin, isang tahanan.
Ang puso at bayan natin, maging daluyan nawa tayong lahat ng kapayapaan, at liwanag ng abang sambayan.
3.At sa kaila-ilaliman ng ating puso, ay tibay sa harap ng pagsubok.
Likas din sa 'ting diwa, pasa-D'yos na pag-asa.
Pananalig sa pagsikat ng araw, sa higit na matiwasay na bukas.
4.Panalangin natin sa Amang mapagmahal na manumbalik ang yaman ng loob.
Wakasan ang alitan, wakasan ang digmaan.
Simulang lunasan ang karalitaan; simulang tupdin ating sinumpaan.
Koro 2:
Kapayapaan, ating dasal para sa bayan nating mahal.
Yaman din lamang, at minarapat N'yang gawin, isang tahanan.
Ang puso at bayan natin, maging daluyan nawa tayong lahat ng kapayapaan, at liwanag ng abang sambayan.
Ng kapayapaan, at liwanag ng abang sambayanan.
Kailan Pa Man
Manoling Francisco, SJ- Ernald Andal, SJ - Norman Agatep - Palan Reyes
Koro:
Kailan pa man di mawawalay, pag-ibig Ko sa inyong tapat at tunay.
Kailan pa ma'y h'wag maba-hala, 'pagkat kapiling Ako t'wina.
1.Di na mag-iisa, mangangamba, mangungulila
Kayo'y Aking hinango, muling sinuyo sa 'King puso.
2.Kahit anong dilim, anong lagim ng tatahakin,
Kayo'y aalagaan, gagabayan kailan pa man.
3.Bansang Aking sinugo, h'wag masiphayo at h'wag susuko
Kayo'y pangungunahan, pagsasanggalang kailan pa man.

Kailan pa ma'y h'wag mabahala, 'pagkat kapiling Ako t'wina.

Subscribe to:
Comments (Atom)