Ang Panginoon ang aking pastol (Salmo 23)

Ang Panginoon ang aking pastol
Hindi ako magkukulang
Ako ay kanyang pinagpapahinga
Sa mainam niyang pastulan.

Inakay ako sa tahimik na batis
At dulot niya'y bagong lakas
Tapat sa pangakong
Ako'y sasamahan niya
Sa tuwid na landas.

Ang Panginoon ang aking pastol
Hindi ako magkukulang
Ako ay kanyang pinagpapahinga
Sa mainam niyang pastulan.

Daan ma'y puno ng dilim o ligalig
Hindi ako mangangamba
Tungkod mo't pamalo
Ang siyang gagabay sakin at
Sasanggalang tuwina.

Ang Panginoon ang aking pastol
Hindi ako magkukulang
Ako ay kanyang pinagpapahinga
Sa mainam niyang pastulan.

Ang Panginoon ang aking pastol
Hindi ako magkukulang
Ako ay kanyang pinagpapahinga
Sa mainam niyang pastulan.
Sa mainam niyang pastulan.

Lito Magnaye

Ang Kaluluwa ko'y nauuhaw

Danny Isidro, SJ - Nemy Que, SJ

Koro:
Ang kaluluwa ko'y nauuhaw, sa iyo O Panginoon ko
Ang kaluluwa ko'y nauuhaw, sa iyo O Panginoon ko

Katulad ng lupang tigang, walang tubig ako'y nauuhaw;
O D'yos hangad Kitang tunay, sa Iyo ako'y nauuhaw. (Koro)

Kaya Ika'y minamasdan, doon sa Iyong dalanginan
Nang makita kong lubusan, lakas Mo't kaluwalhatian. (Koro)

Ang kagandahang-loob mo, higit sa buhay sa mundo;
Kaya ako'y magpupuri, ngalan Mo'y aking sasambitin

Previous Posts

Posts in our Archive