Awit ng Pagsuyo

Silvino Borres Jr. SJ - Manoling Francisco, SJ

KORO:
Bawat naming sambitin,
Bawat naming awitin,
Ay papuri't parangal sa 'yo.
Pakinggan mo, Inang mahal
Ang awit ng pagsuyo.

O mahal naming Ina aming galak at saya,
Kandungin, aliwin kami sa oras ng pighati.

Kalangita'y nagdiriwang sa karangalang nakamtan.
Puso mong kay wagas kanlungan ng Tagapagligtas.

KODA:
Ang awit ng pagsuyo. Bawat naming sambitin
Bawat naming awitin ay awit ng pagsuyo

Awit ng Paghahangad

Charlie Cenzon, SJ

O Diyos, Ikaw ang laging hanap.
Loob ko'y Ikaw ang tanging hangad
Nauuhaw akong parang tigang na lupa
Sa tubig ng 'Yong pag-aaruga.

Ika'y pagmamasdan sa dakong banal,
Nang makita ko ang 'Yong pagkarangal.
Dadalangin akong nakataas aking kamay,
Magagalak na aawit ng papuring iaalay.

KORO:
Gunita ko'y Ikaw habang nahihimlay
Pagkat ang tulong Mo sa tuwina'y taglay
Sa lilim ng Iyong mga pakpak
Umaawit akong buong galak

Aking kaluluwa'y kumakapit sa 'Yo
Kaligtasa'y tiyak kung hawak Mo ako
Magdiriwang ang hari, ang D'yos, S'yang dahilan,
Ang sa Iyo ay nangako galak yaong makamtan 
CODA:
Umaawit, umaawit, umaawit akong buong galak.

Previous Posts

Posts in our Archive