Bawat Sandali

Philip Gan - Manoling Francisco, SJ

Bawat sandali dalangin ko'y binibigkas,
Nang masilayan Kang maaliwalas,
Nang ibigin Ka, Panginoon, buong wagas

Nang aking masundan ang 'Yong bakas
Bawat sandali hangad Kita ang siyang landas.

Awit ng Pasasalamat

E.P Hontiveros, SJ

Koro
Salamat sa D'yos, at Siya'y ang ating Tagapagligtas;
Kanyang kabutiha'y ating isasaysay.
Tayo ay magalak, Kanyang papuri'y aawitin.
Nilupig N'ya ang ating mga kaaway.

O makatarungang D'yos, hukom ng sanlibutan.
Tanggulan sa oras ng panganib at kamatayan.

Sa Iyo'y nagtitiwala ang mahal Mong bayan.
Ang sa 'Yo'y dumulog, 'di Mo pababayaan.

Koro2
Salamat sa D'yos, at Siya'y ang ating Tagapagligtas;
Kanyang kabutiha'y ating isasaysay.
Tayo ay magalak, Kanyang papuri'y aawitin.
Nilupig N'ya ang ating mga kaaway.

Previous Posts

Posts in our Archive