Kahanga-Hanga

Redentor Corpuz - Eddie Hontiveros, SJ

Koro 1:
Kahanga-hanga ang Iyong pangalan,
O Panginoon, sa sangkalupaan;
Ipinagbunyi mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan.

Pinagmamasdan ko ang langit na gawa ng 'Yong mga kamay.
Ang buwan at mga bituin na sa langit 'Yong inilagay.

O sino kaya siyang tao na Iyong pinagmamasdan?
Ginawa Mong anghel ang katulad, pinuno Mo ng karangalan.

Malayo man ang tao sa lupa, sakupin man niya ang buwan.
Ikutin man ang kalangitan; ang D'yos din ang dinadatnan.

Koro 2:
Kahanga-hanga ang Iyong pangalan,
O Panginoon, sa sangkalupaan;
Ipinagbunyi mo ang Iyong kamahalan
Sa buong kalangitan.

Buklod ng Pagibig

Crispulo Pangilinan - Eddie Hontiveros, SJ

Koro:
Buklod ng pag-ibig, tayo ay sumamba,
Sa pagkakaisa, purihin S'yang aba.

1. Purihin, purihin at ating sambahin,
    Ang D'yos ng pag-ibig nagmamahal sa 'tin.

2. Iwalay sa puso, sama ng loob,
   Alita'y iwaksi't ibaon sa limot.

3. Sa hapag ng D'yos ang lahat ay kapatid,
   Ang Ama ay pag-ibig sa atin 'ya'y hatid.

4. Sa pagmamahalan, tayo'y nagkatipon.
   Halina't umawit, magalak sa Poon.

Previous Posts

Posts in our Archive