Kailan Pa Man

Manoling Francisco, SJ- Ernald Andal, SJ - Norman Agatep - Palan Reyes

Koro:
Kailan pa man di mawawalay, pag-ibig Ko sa inyong tapat at tunay.
Kailan pa ma'y h'wag maba-hala, 'pagkat kapiling Ako t'wina.

1.Di na mag-iisa, mangangamba, mangungulila
  Kayo'y Aking hinango, muling sinuyo sa 'King puso.

2.Kahit anong dilim, anong lagim ng tatahakin,
  Kayo'y aalagaan, gagabayan kailan pa man.

3.Bansang Aking sinugo, h'wag masiphayo at h'wag susuko
  Kayo'y pangungunahan, pagsasanggalang kailan pa man.

Koro 2:
Kailan pa man di mawawalay, pag-ibig Ko sa inyong tapat at tunay.
Kailan pa ma'y h'wag maba-hala, 'pagkat kapiling Ako t'wina.
Kailan pa ma'y h'wag mabahala, 'pagkat kapiling Ako t'wina.

Kaibigan

Koro:
Sino pa'ng tutulong sa'yo kundi ang katulad ko, kaibigan mo Ako.

1.Sa Akin mo sabihin ang problema mo: At magtiwala kang di ka mabibigo.
   Kasama mo Ako sa hirap at ginhawa, at may karamay ka sa 'yong pagdurusa.

2.Kapag nasaktan ka ay h'wag kang susuko.
   Kahit may takot ka ay h'wag kang magtago.

Koro:
Kaibigan kita, kaibigan tuwina.
Sino pa'g tutulong sa'yo kundi ang katulad ko, kaibigan mo Ako.

3.Ngayonn nalaman mo na may kasama ka.
   Hinding-hindi kailanpaman mag-iisa.
   Kasama mo Ako sa hirap at ginhawa, at may karamay ka sa 'yong pagdurusa.

Previous Posts

Posts in our Archive