Bienvenida Tabuena - Eddie Hontiveros, SJ
1.Dakilang tanda ang sumikat sa langit, babaeng nararamtan ng araw.
S'ya'y nakatuntong, sa maliwanag na buwan,
Labindalawang bituin ang kanyang korona.
Koro:
Dakilang tanda, ikaw O Maria, kahanga-hanga ang iyong tagumpay.
2.At bakit ganyan ang iyong kagandahan, bakit nga ganyan, 'yong pag-aalab?
Tinatanghal ka ng tanang nilalang,
Kinalulugdan kang kawangis ng Manlilikha.
3.Ina ng buhay at Ina ng pag-ibig, sa'yo nagniningas ng liwanag.
Sa 'yo'y may apoy, bumubukal ang buhay,
Ang sangnilikha'y nabubuhay sa 'yong tagumpay.
Kapuri-puri Ka
Nemy Que, SJ
Kapuri-puri ka, Diyos Amang, lumikha ng lahat.
Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa,
Ang tinapay na ito, para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
Koro:
Kapuri-puri ang Poong Maykapal,
Ngayon at magpakailanman.
Kapuri-puri ang Poong Maykapal,
Ngayon at magpakailanman.
Kapuri-puri ka, Diyos Amang, lumikha ng lahat.
Sa Iyong kagandahang-loob, narito ang aming maiaalay.
Mula sa ubas at bunga ng aming paggawa,
Ang alak na ito, para maging inuming nagbibigay-lakas.

Subscribe to:
Comments (Atom)