Diyos ay Pag-ibig

Dave Magalong

Pag-ibig ang siyang pumukaw sa ating puso't kaluluwa.
At siyang nagdulot sa ating buhay ng gintong aral at pag-asa.

Pag-ibig ang siyang buklod natin, Di mapapawi kailan pa man.
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang, kahit na tayo'y magkahiwalay.

Koro:
Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig,
Magmahalan tayo't magtulungan at kung tayo'y bigo,
Ay h'wag limutin na may Diyos tayong nagmamahal.

Sikapin sa ating pagsuyo, ating ikalat sa buong mundo:
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop sa bawa't pusong uhaw sa pagsuyo.

Diyos ay pag-ibig, Diyos ay pag-ibig, Diyos ay pag-ibig.

Dinggin Mo

Simplicio Esteban-Eddie Hontiveros,SJ

Koro:
Tawag nami'y laging dinggin, samo nami'y 'Yong pakinggan.
Tinig nami'y bigyang pansin, Ama nami't Panginoon.

Dinggin Mo, Panginoon, ang aming kahilingan.
Kami ay kaawaan, O D'yos na walang hanggan.

Bigyan Mo ng liwanag, tibay at pananalig;
Kaming nagsusumikap, dito sa 'ming daigdig.

Sa'Yo nananambitan, sa'Yo rin umaasa.
Huwag Mong pababayaan, ang taong nagkasala.

Previous Posts

Posts in our Archive