Gabing Kulimlim

Jandi Arboleda- Manoling Francisco, SJ

Pagsapit ng gabing kulimlim, naririto Ako.
Papawiin Ko ang lumbay mo, kukumutan ka ng saya,
At aakayin Ko ang pagsikat ng umaga.

Yakapin mo'ng kaloob Kong buhay sa iyo;
Sa piling Ko damhin mo ang mundo.
Sa kapwa mo muling mabibigo;
Kapayapaan Ko lamang ang sasagip sa iyo.

Anumang tagal ng gabi, kasama mo Ako.
Di mo man tanto, narito Ako.
Ang buhay Ko'ng nagdudulot ng buhay sa iyo,
Kadilimang ito ay kakayanin mo.

Pagsapit ng gabing kulimlim naririto Ako.
Papawiin Ko ang lumbay mo.
Kukumutan ka ng saya,
At aakayin Ko'ng pagsikat ng umaga

Diyos ay Pag-ibig

Dave Magalong

Pag-ibig ang siyang pumukaw sa ating puso't kaluluwa.
At siyang nagdulot sa ating buhay ng gintong aral at pag-asa.

Pag-ibig ang siyang buklod natin, Di mapapawi kailan pa man.
Sa puso't diwa tayo'y isa lamang, kahit na tayo'y magkahiwalay.

Koro:
Pagka't ang Diyos natin Diyos ng pag-ibig,
Magmahalan tayo't magtulungan at kung tayo'y bigo,
Ay h'wag limutin na may Diyos tayong nagmamahal.

Sikapin sa ating pagsuyo, ating ikalat sa buong mundo:
Pag-ibig ni Hesus ang siyang sumakop sa bawa't pusong uhaw sa pagsuyo.

Diyos ay pag-ibig, Diyos ay pag-ibig, Diyos ay pag-ibig.

Previous Posts

Posts in our Archive