Manoling Francisco, SJ -Vic Baltazar, SJ
Jandi Arboleda - Norman Agatep
Kay tagal bago Kita minahal,
Gandang sinauna at sariwa.
Tapat Kang nanahan sa 'king kalooban,
Ngunit hinahanap pa rin kahit saan.
Kay tagal bago Kita minahal,
Gandang sinauna at sariwa.
Ako'y nagpabihag sa likha Mong tanan,
Di ko akalaing Ikaw pala'y nilisan.
Ako'y tinawagan mula sa katahimikan,
Pinukaw Mo ang aking pandinig,
Biglang luminaw ang awit ng daigdig.
Kay tagal bago Kita minahal,
Gandang sinauna at sariwa.
Tapat Kang nanahan sa 'king kalooban,
Ngunit hinahanap pa rin kahit saan.
Ako'y inilawan mula sa 'king kadiliman,
Minulat Mo aking mga mata,
Biglang luminaw tanglaw ko sa tuwina.
Kay tagal bago Kita minahal,
Gandang sinauna at sariwa.
Ako'y nagpabihag sa likha Mong tanan,
Di ko akalaing Ikaw pala'y nilisan.
Kay tagal bago Kita minahal,
Gandang sinauna at sariwa.
Akong nilikha Mo, uuwi rin sa 'Yo,
Ako'y papayapa lamang sa pilin Mo.
Gabing Kulimlim
Jandi Arboleda- Manoling Francisco, SJ
Pagsapit ng gabing kulimlim, naririto Ako.
Papawiin Ko ang lumbay mo, kukumutan ka ng saya,
At aakayin Ko ang pagsikat ng umaga.
Yakapin mo'ng kaloob Kong buhay sa iyo;
Sa piling Ko damhin mo ang mundo.
Sa kapwa mo muling mabibigo;
Kapayapaan Ko lamang ang sasagip sa iyo.
Anumang tagal ng gabi, kasama mo Ako.
Di mo man tanto, narito Ako.
Ang buhay Ko'ng nagdudulot ng buhay sa iyo,
Kadilimang ito ay kakayanin mo.
Pagsapit ng gabing kulimlim naririto Ako.
Papawiin Ko ang lumbay mo.
Kukumutan ka ng saya,
At aakayin Ko'ng pagsikat ng umaga
Pagsapit ng gabing kulimlim, naririto Ako.
Papawiin Ko ang lumbay mo, kukumutan ka ng saya,
At aakayin Ko ang pagsikat ng umaga.
Yakapin mo'ng kaloob Kong buhay sa iyo;
Sa piling Ko damhin mo ang mundo.
Sa kapwa mo muling mabibigo;
Kapayapaan Ko lamang ang sasagip sa iyo.
Anumang tagal ng gabi, kasama mo Ako.
Di mo man tanto, narito Ako.
Ang buhay Ko'ng nagdudulot ng buhay sa iyo,
Kadilimang ito ay kakayanin mo.
Pagsapit ng gabing kulimlim naririto Ako.
Papawiin Ko ang lumbay mo.
Kukumutan ka ng saya,
At aakayin Ko'ng pagsikat ng umaga
Subscribe to:
Comments (Atom)