Albert Flores - Marius Villaroman
Koro:
Halina't umawit nang may kagalakan.
Ang D'yos ay papurihan.
Pag-ibig N'ya'y tunay na walang hanggan.
Sya'y pasalamatan.
Ibahagi natin ating karanasan, pag-asang nasumpungan.
Pagtatagumpay sa kadilima'y laging ihahayag.
Umawit sa D'yos nang walang pangamba kayong nangagdurusa.
Pagmamahal N'ya na dakila, lakas ng mahihina.
Bayan ngayon alalahanin na hindi nga magmamaliw.
Pag-ibig na Kanyang inialay kaya magpuri't magdiwang.
Halina, Lumapit sa Akin
Danny Isidro, SJ - Nemy Que, SJ
Kaibigan, tantuin mong isang paglalakbay ang buhay.
Sanga-sangang landas ay may kahirapan,
Kung ang lungkot o panganib sa yo'y
biglaang dumalaw.
O kung ikaw ay mapagod sa bigat ng 'yong pasan,
Panginoon ang balingan,Panginoon ang asahan.
Wika Niya'y halina, lumapit sa Akin,
Kayong mga napapagal Aking pagiginhawain.
Bigat ng inyong pasanin ay Aking pagagaangin.
Halina, kaibigan,lumapit sa Akin.
Kaibigan tantuin mong isang paglalayag ang buhay.
Maalon ang dagat at may kalaliman,
Kung may unos at may hanging 'di mo kayang labanan.
O sa gabing kadiliman ni tala ay walang tanglaw,
Panginoon ang balingan, Panginoon ang asahan.
Wika Niya'y halina lumapit sa Akin,
kayong mga napapagal Aking pagiginhawain.
Bigat ng inyong pasanin ay Aking pagagaangin.
Halina, kaibigan, lumapit sa Akin.

Subscribe to:
Comments (Atom)