Hesus na Aking Kapatid

Eddie Hontiveros, SJ

Hesus na aking kapatid sa lupa nami'y bumalik:
Iyong mukha'y ibang-iba, hindi Kita nakikilala

Koro:
Tulutan Mo'ng aking mata mamulat sa katotohanan:
Ikaw, Poon, makikilala sa taong mapagkumbaba

Hesus na aking kapatid, putikin man ang 'Yong sapin,
Punit-punit ang 'Yong damit, nawa Ika'y mapasa-akin.

Hesus na aking kapatid, sa bukid ka nagtatanim,
o sa palengke rin naman, Ikaw ay naghahanap-buhay.

Koda:
Tulutan Mo'ng aking mata mamulat sa katotohanan:
Ikaw, Poon, makikilala, Ikaw, Poon, makikilala,
Ikaw, Poon, makikilala sa taong mapagkumbaba.

Hangarin ng Puso Ko

Arnel Aquino, SJ

Hangarin ng puso ko't diwa, Makapagkaisang loob sa ‘N'yo nang lubusan at taimtiman.

Mapalad s'yang hindi naaakit ng masama,
Sa palalong buhay ‘di mapariwara.
Kayo'y nais n'yang kapisan at tinig N'yo'y laging hanap;
Galak n'yang Kayo ay matagpuan gabi at araw.

Katulad n'ya'y luntiang punong nakatanim
Katabi ng umaagos na batis.
Ang bawat niyang mithiin, ang bawat niyang gawain
Nagtatagumpay, nagbubunga ng kapayapaan.

Hangarin ng puso ko, O diwa ng buhay ko,
Masumpungan Ka sa sangnilikha nang habambuhay.

Hangrin ng puso ko't diwa, (hangarin ng buhay ko't diwa)
Magkaisa ang loob ko sa inyo!

Previous Posts

Posts in our Archive