Hindi Kita Malilimutan

Onofre Pangsanhan - Manoling Francisco, SJ

Hindi kita malilimutan, hindi kita pababayaan.
Nakaukit magpakailanman sa 'King palad ang 'yong pangalan.

Malilimutan ba ang ina ang anak na galing sa kanya?
Sanggol sa kanyang sinapupunan, paano niya matatalikdan?
Ngunit kahit na malimutan ng ina ang anak niyang tangan,

Chorus:
Hindi kita malilimutan, kailanma’y di pabababyaan.
Hindi kita malilimutan, Kailnmay 'di pababayaan.

Hesus Ng Aking Buhay

Arnel Aquino, SJ

Sikat ng umaga, buhos ng ulan, simoy ng dapithapon, sinag ng buwan.
Batis na malinaw, dagat na bughaw.
Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay.

Saan man ako bumaling, Ika’y naroon.
Tumalikod man sa ‘Yo dakilang pag-ibig mo
Sa akin tatawag at magpapaalalang
Ako’y 'Yong ginigiliw  at siyang itatapat sa puso.

Tinig ng kaibigan, oyayi ng ina; pangarap ng ulila, bisig ng dukha.
Ilaw ng may takot, ginhawa ng aba.
Gayon ang Panginoon kong Hesus ng aking buhay.

Saan man ako bumaling, Ika’y naroon.
Tumalikod man sa ‘Yo, dakilang pag-ibig mo
Sa akin tatawag at magpapaalalang
Ako’y 'Yong ginigiliw at s'yang itatapat sa puso.

Previous Posts

Posts in our Archive