Huwag Kang Mangamba

Onofre Pagsanhan - Manoling Francisco, SJ

Koro:
Huwag kang mangamba, 'di ka nag-iisa
Sasamahan kita, saan man magpunta
Ika'y mahalaga sa 'King mga mata
Minamahal kita, minamahal kita

Tinawag kita sa 'yong pangalan.
Ikaw ay Akin magpakailanman.
Ako ang Panginoon mo at Diyos,
Tapagligtas mo at Tagatubos.

Sa tubig kita'y sasagipin, sa apoy ililigtas man din.
Ako ang Panginoon mo at Diyos, Tapagligtas mo at Tagatubos.

Humayo't Ihayag

Manoling Francisco, SJ - Louis Catalan, SJ - Johnn Go, SJ

Humayo't ihayag (Purihin Siya!)
At ating ibunyag (Awitan Siya!)
Pagliligtas ng Diyos na sa krus ni Hesus
Ang S'yang sa mundo'y tumubos!

Langit at lupa Siya'y papurihan!
Araw at tala Siya'y parangalan!
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan!
Aleluya!

At isigaw sa lahat, kalinga Niya'y wagas.
Kayong dukha't salat: pag-ibig Niya sa inyo ay tapat!

Halina't sumayaw buong bayan!
Lukso, sabay, sigaw sanlibutan!
Ang ngalan Niyang angkin 'sing ningning ng bitwin:
Liwanag ng Diyos, sumaatin!

Langit at lupa, Siya'y papurihan!
Araw at tala Siya'y parangalan!
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan! Sa tanan!
Ating 'pagdiwang pag-ibig ng Diyos sa tanan!
Aleluya!

Previous Posts

Posts in our Archive