Crispulo Pangilinan - Eddie Hontiveros, SJ
Koro:
Humayo tayo't ating ipahayag: pagmamahal Niya, Diyos nating lahat.
Humayo tayo't ating ipahayag: ang Kanyang kadakilaa'y ating isiwalat,
Ang Kanyang kadakilaa'y ating isiwalat.
Sa lahat ng mga gawai't tungkulin, sa mga pagtahak sa bawat landasin.
Sa pangungulila at mga tiisin, ang D'yos ay kasama 'ya'y alalahanin.
Sa anumang balak na babalikatin, doon ay isama ang D'yos Ama natin,
At pagmamahalan ay pag-ibayuhin, upang lumigaya buong bayan natin.
Hiram sa Diyos
Fr. Joe CastaƱeda
Hiram sa Diyos ang aking buhay.
Ikaw at ako'y tanging handog lamang.
Di ko ninais na ako'y isilang.
Ngunit salamat, dahil may buhay.
Ligaya ko nang ako'y isilang, 'Pagkat tao ay mayroong dangal.
Sino'ng may pag-ibig, sino'ng nagmamahal?
Kundi ang tao, Diyos ang pingmulan.
Kundi ako umibig, Kundi ko man bigyang-halaga.
Ang buhay kong handog, ang buhay kong hiram sa Diyos.
Kundi ako nagmamahal, sino ako?
Hiram sa Diyos ang aking buhay.
Ikaw at ako'y tanging handog lamang.
Di ko ninais na ako'y isilang.
Ngunit salamat, dahil may buhay.
Ligaya ko nang ako'y isilang, 'Pagkat tao ay mayroong dangal.
Sino'ng may pag-ibig, sino'ng nagmamahal?
Kundi ang tao, Diyos ang pingmulan.
Kundi ako umibig, Kundi ko man bigyang-halaga.
Ang buhay kong handog, ang buhay kong hiram sa Diyos.
Kundi ako nagmamahal, sino ako?
Subscribe to:
Comments (Atom)