Nemy S. Que, SJ
Mahal na Puso ni Hesus,kami ay iyong kupkupin,
At akitin ang puso namin, nang grasya mo ay kamtin.
Koro:
O Kristo’y dinggin aming panalangin,
Laging angkinin ang puso namin.
Banal na templo’t ahanan, dito ay kalangitan.
Ang aliw namin at kayamanan, ang tangi mong laan.
Mga puso’y ipininid, alaala’y said,
At ang sala ng tao’y hatid, sugat sa ‘Yong gilid.
Magsiawit sa Panginoon
Danny Isidro, SJ - Nemy S. Que, SJ
Koro:
Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya!
Magsiawit sa Panginoon!
Purihin, Purihin ang Kanyang pangalan.
Ipahayag, Ipahayag ang dulot N'yang kaligtasan.
Kayong mga angkan, maghandog sa Poon.
Luwalhati at papuri ialay sa Panginoon.
Koro:
Magsiawit kayo sa Panginoon, Aleluya!
Magsiawit sa Panginoon!
Purihin, Purihin ang Kanyang pangalan.
Ipahayag, Ipahayag ang dulot N'yang kaligtasan.
Kayong mga angkan, maghandog sa Poon.
Luwalhati at papuri ialay sa Panginoon.
Subscribe to:
Comments (Atom)