Mahal naming Ina

Fruto Ramirez, SJ

Mahal naming Ina, tinatawagan ka, tunay na batis ka ng biyaya;
Binabalungan ka, ng awa at ligaya, nilalapitan ka, naming aba.

Inang sinisinta, buksan aming mata,
'Pagkat sa D'yos Ama kami ay nagkasala.
Kapag kami'yumaong lumbay, kami'y samahan do'n sa Amang kaharian.

Mahal na Puso

Nemy S. Que, SJ

Mahal na Puso ni Hesus,kami ay iyong kupkupin,
At akitin ang puso namin, nang grasya mo ay kamtin.

Koro:
O Kristo’y dinggin aming panalangin,
Laging angkinin ang puso namin.

Banal na templo’t ahanan, dito ay kalangitan.
Ang aliw namin at kayamanan, ang tangi mong laan.

Mga puso’y ipininid, alaala’y said,
At ang sala ng tao’y hatid, sugat sa ‘Yong gilid.

Previous Posts

Posts in our Archive