Manoling Francisco, SJ
Manatili ka kahit sandali, Hihilumin Ko ang iyong hapdi.
Bakit lagi nang nagmamadali? Di malilisan ang 'yong pighati?
Isaysay sa 'Kin lahat mong pait. Yayakapin Ko, lahat mong sakit.
Manahimik na't mata'y ipikit, Bubulungan ka ng 'sang oyayi.
Kailan titigilan ang 'yong katatakbo?
Kailan pipigilan pagpasan mo sa mundo?
Manatili ka kahit sandali, Buuin muli ang 'yong sarili,
Magtiwala ka't tayo'y magwawagi. Ang pulang ulap ay mahahawi.
Manalig Ka
Romulo Perez
Iluom lahat ng takot sa iyong damdamin,
Ang pangalan N'ya lagi ang tawagin
At S'ya'y nakikinig sa bawat hinaing.
Magmasid at mamulat sa Kanyang kapangyarihan.
Nabatid mo ba na S'ya'y naglalaan,
At patuloy na naghahatid ng tunay na kalayaan?
Koro 1:
Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata.
Hindi S'ya panaginip, hindi S'ya isang pangarap,
S'ya ay buhay, manalig ka!
At ngayo'y tila walang mararating na bukas,
Ngunit kung S'ya ang hayaang maglandas,
Pag-asa ay muling mabibigkas.
Koro 2:
Manalig ka, tuyuin ang luha sa mga mata
Hindi S'ya natutulog, hindi nakalilimot.
Kay Hesus, manalig ka. Kay Hesus, manalig ka!

Subscribe to:
Comments (Atom)