Inang Mahal

Rene San Andres

Inang mahal, Mariang Ina sa kandungan mo'y nahimlay
Ang sanggol mong aming buhay.
Pakinggan mo at ihatid aming mga panalangin
Kay Hesus na kaligtasan namin.

Koro:
Pag-ibig mo, Inang kay tamis,
Ipadama mo sa aming tumatangis.
Turuan mo kaming magmahal
Kay Hesus, aming Tagapagligtas.

Inang mahal,
Huwaran ka ng pagsisilbi sa Diyos
Sa pag-akap mo kay Hesus.
Pakinggan mo, ang panalangin naming matularan ka
Sa tindi ng pag-ibig mo sa Kanya.

Huwag Mangamba

Manoling Francisco, SJ

Kahit di malinaw 'yong patutunghan,
Kahit di matanaw ang kinabukasan,
Huwag mangamba, lagi kitang pangungunahan.
Magtiwala, Ako'y sundan.

Lahat ng takot mo'y aking naranasan.
Lahat ng hirap mo'y aking naraanan.
Kailan ako di naasahan?
Kailan kita pinabayaan?
Magtiwala, Ako'y sundan.

Koro:
Huwag mangamba, huwag mabalisa,
huwag mabahala.
Sa ligalig, hindi kita padarakma
Manalig ka, magtiwala at mapayapa.
Pag-ibig Kong kalasag mo'y sapat na.

Kahit di malinaw aking kalooban
O makitid ang pinatatahak kong daan
Asahan mong kapayapaa'y matatamo sa hantungan;
Magtiwala, Ako'y sundan.

Koda:
Manalig ka magtiwala at mapayapa.
Pag-ibig kong kalasag mo'y sapat na.
Pag-ibig kong kalasag mo'y sapat na.

Previous Posts

Posts in our Archive