Arnel Aquino, SJ
Koro:
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y magsaya at magalak!
Magpasalamat kayo sa Panginoon,
Butihin S'ya, Kanyang gawa'y walang hanggan.
Sabihin ng sambayanan ng Israel,
"Walang hanggan, Kanyang awa!"
Kanang kamay ng Diyos sa 'ki'y humango.
Ang bisig N'ya sa 'kin ang tagapagtanggol.
Ako'y hindi mapapahamak kailanman.
Ipahahayag ko l'walhati N'ya.
Ang aking Panginoon, moog ng buhay.
S'ya ang batong tinanggihan ng tagapagtayo.
Kahanga-hanga sa aming mga mata,
Gawain N'ya; Purihin S'ya!
Koda:
Ito ang araw na ginawa ng Panginoon;
Tayo'y magsaya at magalak!
Isang Pagkain, Isang Katawan, Isang Bayan
Lucio San Pedro
Katulad ng mga butil na tinitipon,
Upang maging tinapay na nagbibigay buhay.
Kami nawa’y matipon din
At maging bayan Mong giliw.
Koro:
Iisang Panginoon, iisang katawan
Isang bayan, isang lahing
Sa 'Yo’y nagpupugay.
Katulad din ng mga ubas
Na piniga at naging alak:
Sino mang uminom nito:
"May buhay na walang hanggan."
Kami nawa’y maging sangkap
Sa pagbuo nitong bayang liyag.
Katulad ng mga butil na tinitipon,
Upang maging tinapay na nagbibigay buhay.
Kami nawa’y matipon din
At maging bayan Mong giliw.
Koro:
Iisang Panginoon, iisang katawan
Isang bayan, isang lahing
Sa 'Yo’y nagpupugay.
Katulad din ng mga ubas
Na piniga at naging alak:
Sino mang uminom nito:
"May buhay na walang hanggan."
Kami nawa’y maging sangkap
Sa pagbuo nitong bayang liyag.
Subscribe to:
Comments (Atom)