Liwanag ng aming Puso

Luis Antonio Cardinal Tagle - Eddie Hontiveros, SJ

Liwanag ng aming puso, sa ami'y manahan Ka.
Ang init ng ‘Yong biyaya, sa ami'y ipadama.
Patnubay ng mahihirap, O aming pag-asa't gabay.
Sa aming saya at hapis, tanglaw Kang kaaya-aya.

Liwanag ng kaaliwan, sa ami'y dumalaw Ka.
Kalinga Mo ang takbuhan noong unang-una pa.
Pawiin ang aming pagod, ang pasani'y pagaanin.
Minamahal kong kandungan, sa hapis kami hanguin.

Liwanag ng kabanalan, sa ami'y mamuhay Ka.
Ang ningas ng ‘yong pag-ibig, ang s'yang magsilbing gabay.
Pag nalayo ka sa amin, ang tao'y walang halaga.
Di namin makakayanang hanguin ang kaluluwa.

Liwanag ng bagong buhay, sa ami'y umakay Ka.
Linisin ang aming sugat, ang diwa'y bigyang-sigla.
Akitin mo ang palalo, damayan ang naliligaw.
Ituro mo ang landasin, patungo sa aming tanglaw.

Liwanag ng aming puso, sa ami'y manahan Ka.
Idulot Mo po sa amin, kapayapaang wagas.
Ang ‘Yong gantimpala't mana, pangako Mong kasarinlan.
Ang bunga ng pagkandili: ligaya magpakailanman.

Ito ang Diakono

Tim Ofrasio, SJ - Eddie Hontiveros, SJ

Ito ang diakono, lingkod ng Diyos at tao.
Alagad na hinirang inatasa’t pinahiran.
Tanggapin mo yaong aklat, ng Mabuting Balita.

Taglayin mo’t ipahayag Diyos ang pag-ibig na tapat.
ikaw nga’y Diakono,laan sa Diyos at tao
Sana’y maging mal’wat, sana’y maging mal’wat
paglilingkod mo,
Diakono paglilingkod mong ganap.

Previous Posts

Posts in our Archive