Magpasalamat sa Kanya

Norman Agatep

Koro:
Umawit nang sama-sama!
Magpasalamat tayo sa Kanya!
Sumayaw, humiyaw, magbunyi,
Sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha!

Sa pag-ibig, sa pag-asa,
Sa biyaya at ligaya,
Magpasalamat sa Kanya
Sa mabuti N'yang balita.

Sa saganang pang-unawa
Sa masusing pagkalinga,
Magpasalamat sa Kanya
Sa handog N'yang kaligtasan.

Sa dalanging kaayusan
Sa mithiing kapayapaan,
Magpasalamat sa Kanya
Sa pangakong katarungan.

Magpasalamat Kayo sa Panginoon

Fruto Ramirez, SJ

Magpasalamat kayo sa Panginoon,
Na S'yang lumikha ng lahat ng bagay dito sa mundo.
Siya’y gumawa ng buwan at mga bituin.
Upang magbigay ng liwanag sa pagsapit ng dilim.

Koro:
O magpasalamat sa kanyang mga biyaya at awa.
O ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin.

Magpasalamat kayo sa Panginoon
Dahil sa kagandahang-loob Niya’y magpakailanman,
At papurihan ang D'yos habambuhay,
Na S'yang nagligtas sa Kanyang hinirang bayang Israel.
O ating purihan ang Poon na mahabagin sa atin.

Koda:
O magpasalamat sa Kanyang mga biyaya at awa.
At ating purihin ang Poon na mahabagin sa atin.
O magpasalamat sa Kanyang mga biyaya at awa.

Previous Posts

Posts in our Archive