Magpuri sa Panginoon

Eddie Hontiveros

Magpuri kayo sa Panginoong D'yos lahat ng santinakpan.
Magsiawit kayo at S'ya’y ipagdangal magpakailan man.

Magpuri kayo, mga anghel ng Diyos, sa Panginoong Maykapal.
Magpuri kayo, mga langit, sa D'yos na sa 'nyo lumikha.

Magpuri kayo sa Panginoon, buwan at araw at bituin.
Umawit sa Kanyang karangalan, ulan at hamog at hangin.

Tanang mga tao sa buong mundo, banat at mabababang puso,
Purihin ninyo ang Panginoon, sa sala tayo'y hinango.

Magpasalamat sa Kanya

Norman Agatep

Koro:
Umawit nang sama-sama!
Magpasalamat tayo sa Kanya!
Sumayaw, humiyaw, magbunyi,
Sa pagmamahal ng dakilang Manlilikha!

Sa pag-ibig, sa pag-asa,
Sa biyaya at ligaya,
Magpasalamat sa Kanya
Sa mabuti N'yang balita.

Sa saganang pang-unawa
Sa masusing pagkalinga,
Magpasalamat sa Kanya
Sa handog N'yang kaligtasan.

Sa dalanging kaayusan
Sa mithiing kapayapaan,
Magpasalamat sa Kanya
Sa pangakong katarungan.

Previous Posts

Posts in our Archive