Narito Ako

Rene San Andres

Koro:
Panginoon, narito ako.
Naghihintay sa utos Mo.
Lahat ng yaman ko, ay alay ko sa 'Yo.
Ikaw ang tanging buhay ko.

Batid ko nga, at natanto,
Sa kasulatan, 'Yong turo
Pakikinggan, at itatago
Sa sulok ng puso.

'Yong pagligtas ihahayag,
Hanggang sa dulo ng dagat.
Pagtulong Mo't pusong dalisay
aking ikakalat.

Nang Buo Kong Buhay

Albert Alejo, SJ - Eddie Hontiveros, SJ

O Mahal na Puso, O loob ng Diyos,
Kapintig ng bayan ang Iyong tibok.
Puso ko'y pukawin, hanggang kumilos,
Magpasya't mangatawang ibigin ang Krus.

Koro:
At managot sa kapwa na mahal sa'Yo,
Nang buo kong buhay, nang buong kaluluwa,
Nang buo kong isip, nang buong lakas,
Kahit kamatayan aking malasap.

O Mahal na Puso, ng Butihing Diyos,
Batis ng pag-ibig, sa kapwang kapos,
Tao'y 'Yong hinanap nang 'Yong matubos.
Sana'y matularan Ka sa paglilingkod.

Previous Posts

Posts in our Archive