Eddie Hontiveros
Birheng Maria, Bukang-Liwayway, sinilang mo si Hesus, araw ng mundo.
Sana'y ilawan mo aming buhay at landas naming nalilito.
Tanglaw sa dilim ng aming paglaon sa lupang ito samahan ang aming paglalakbay.
Tala sa dagat kami'y dalhin mo.
Inang Maria, sa 'ming buhay.
O Maria 'yong pagkalinga sa amin ipadama.
Kami'y 'yong tulungan at patnubayan sa oras ng kamatayan.
Koda:
Inang Maria sa buhay, sa 'ming paglalakbay,
Dalhin sa 'ming buhay.
Mapapalad
Fruto Ramirez, SJ
Mapapalad kayong mahihirap, ang kaharian ng Diyos sa inyo.
Mapapalad kayong nagugutom, sapagkat bubusugin kayo.
Mapapalad kayong nahahapis, sapagkat aaliwin kayo.
Koro:
Mapapalad, Panginoon, ang abang katulad Mo.

Mapapalad kayong maawain, kaaawaan kayo ng Diyos.
Mapapalad kayong tumatangis, sapagkat liligaya kayo.
Mapapalad kayong inuusig, maghahari ang D'yos sa inyo.

Subscribe to:
Comments (Atom)