Mariang Ina Ko

Onofre Pagsanhan - Manoling Francisco, SJ

Sa 'king paglalakbay sa bundok ng buhay.
Sa ligaya't lumbay maging talang gabay.

KORO:
Mariang ina ko, ako ri'y anak mo
Kay Kristong Kuya ko, akayin mo ako,
Kay Kristong Kuya ko, akayin mo ako.

Maging aking tulay, sa langit kong pakay,
Sa bingit ng hukay, tangnan aking kamay.

Sabihin sa Kanya aking dusa at saya,
Ibulong sa Kanya, minamahal ko S'ya.

Maria, Tala sa Karagatan

Fruto Ramirez, SJ

Sa ‘ming paglalakbay dito sa lupa,
Ikaw ang aming gabay na tala
Na umaakay kapag kami ay Sa tamang landas nahiwalay.

Sa ‘ming paglalayag sa kadiliman,
Sa buhay na punong panganib, pangamba,
Ikaw ang tala sa karagatan,
Liwanag mo'y tanglaw sa twi-twina.

Ika'y tala sa umaga,
Hudyang araw ng pagligtas.

Santa Maria, mahal naming Ina,
Ipanalangin mo kami sa Diyos Ama.
Upang si Kristo, aming hantungan,
Sa dulo ng landas matagpuan.

Santa Maria, mahal naming Ina,
Ipanalangin mo kami sa D'yos Ama.
Upang si Kristo, aming hantungan,
Sa dulo ng landas matagpuan.

Previous Posts

Posts in our Archive