Pagalabin Aming Puso

Manoling Francisco, SJ

KORO:
Panginoon, 'Yong pag-alabin aming puso
'Pagkat dahop sa pag-ibig kaming palalo
Kami'y turuang magmahal nang wagas.
Nang puso nami'y tulad ng sa Iyo'y magningas.

Pawiin Mo ang aming hinanakit, nang aming malimot sakit at pait.
Turuang patawarin ng may kaga-anang loob,
Ang kapwa namin sa ami'y bumigo.

Ibangon aming pusong nakalugmok,
Nalulunod sa sariling lungkot at dagok.
Himuking magmalasakit sa tiisin ng iba,
Paglingkuran aming bayan dalita.

Pag-aalay ng Puso (Minsan Lamang)

Joe Nero - Nemy Que, SJ

Minsan lamang ako daraan sa daigdig na ito.
Kaya anuman ang mabuting maa'ring gawin ko ngayon.
O anumang kabutihan ang maari kong ipadama?
Itulot ninyong magawa ko ngayon ang mga bagay na 'to.

Koro:
Nawa'y h'wag ko 'tong ipagliban o ipagwalang-bahala,
Sapagkat 'di na 'ko muling daraan sa ganitong mga landas

Wakas:
...mga landas

Previous Posts

Posts in our Archive