Naalala Mo

Arnel dC Aquino, SJ

Naalala mo, noong tumawag ka,
Noong wala nang maasahan
Masulingan man lang?
Ikaw ay nagbalik sa aking piling,
At panalangin mo sa'kin,
'Wag kang lisanin.

Naalala mo, n'ong susuko ka na,
noong pagsuyo Ko sa'Yo'y
Inakap mo na rin?
Maniniwala ka kaya na magmula noon,
Hindi na kita binitawan pa?

Counterpoint

Giliw kong Diyos ng buhay ko, yakap Mo na rin.
Maniniwala ka kaya"?, Na magmula noon.
Hindi na Kita binitiwan pa?
Maniniwala ka kaya?, Na magmula noon,
Hindi na Kita binitiwan pa?

Mula Sa'Yo

Manoling Francisco, SJ

Wala akong maihahandog sa'Yo,
Na 'di mula sa kabutihan mo.
Gayon pa man, 'Yong tanggapin,
Aking alay, pabanalin.

Muli kong handog, buhay Mong kaloob;
Kalugdan Mo at basbasan.

Mula sa iyo, ang lahat ng ito;
Buhay ko’y pagharian Mo.

Wala akong maihahandog sa ‘yo
Na di mula sa kabutihan mo
Gayon pa man, ‘Yong tanggapin,
Aking alay, pabanalin, tanging hiling.

Previous Posts

Posts in our Archive