Arnel Aquino, SJ
O Bayan ng D'yos, itaas ang kamay at magdiwang. (at magdiwang!)
Awit ng sigla, ibaling sa kalangitan,
Purihin ang Diyos na buhay!
Tayo'y Kanyang mahal, inaaruga na't kinagigiliwan pa.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay saya! (kay lalim, kay saya!)
O, Bayan ng D'yos, itaas ang kamay at magsayaw. (at magsayaw!)
Liwanag ng D'yos nagpawi ng kadiliman, pangungulila't lungkot!
H'wag nang mag-alala, puso nating aba, nilikha N'yang tahanan N'ya.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay sigla! (kay lalim, kay sigla!)
Kung sarili N'yang Anak pinagkaisa N'ya sa sisinghap-singhap na bayan nating makasarili, makasalanan.
H'wag nang mag-alinlangan pang tayo'y Kanyang sasamahan.
Kailan ma'y 'di tayo iiwan. Kailan ma'y 'di tayo iiwan.
O Bayan ng Diyos, itaas ang kamay at magdiwang! (at magdiwang!)
Awit ng sigla, ibaling sa kalangitan,
Purihin ang D'yos na buhay!
Tayo'y Kanyang mahal, inaaruga na't kinagigiliwan pa.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay saya! (kay lalim, kay saya!).
O Bayan ng D'yos, itaas ang kamay at magsayaw. (at magsayaw!)
Liwanag ng D'yos nagpawi ng kadiliman, pangungulila't lungkot!
H'wag nang mag-alala, puso nating aba, nilikha N'yang tahanan N'ya.
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay sigla!
Pag-ibig N'ya'y kay lalim, kay sigla!
Kay lalim, kay sigla!
Narito Ako, Panginoon
Nemy Que, SJ
Koro:
Panginoon, narito ako, hinihintay ko ang utos Mo.
Kahit saan, kahit ano, handa akong sumunod sa'Yo.
Nais ko lamang, O Panginoon, gawin ang kalooban Mo.
Sa'Yo, O Diyos, nagmula, ang aking kakayahang magmahal sa iba.
Gamitin Ninyo ito, hiling ko sa'Yo, nang mapalapit kami sa puso Mo.
Ikaw, O D'yos, ang nagbigay, ng aking talino at aking buhay.
Ipagkaloob Ninyong gamitin ko, ang lahat ng ito para sa'Yo.

Subscribe to:
Comments (Atom)