Pagbabasbas

Rene Javellana, SJ - Jandi Arboleda - Manoling Francisco, SJ


Panginoong lumikha ng kalangitan at lupa,
Ang sansinukuban ay 'di sukat sa 'Yong kadakilaan.
Ano pa kaya itong abang tahanan?
Ngunit Ikaw ang Ama na sa ami'y nagkalinga,
Sa harap ng 'Yong dambana,
Kaya't sa samo ng madla: magdalang habag Ka.

Koro:
Pumanaog Ka, Poon,
Sa tahanang laan sa 'Yong kalwalhatian.
Puspusin Mo ng biyaya
Ang dumudulog sa 'Yong dambana.

Panginoong lumikha ng kalangitan at lupa,
Ang sansinukuban ay 'di sukat sa 'Yong kadakilaan.
Ano pa kaya itong abang tahanan?

Pagbabalik

Ronnie Alcaraz - Manoling Francisco, SJ

Paanong di kita ibigin? Paanong 'di ka patawarin?
Bago man isilang sa lupa, ika'y akin nang inaruga.

Paanong Ako'y 'yong lisanin? Paanong ako'y 'yong limutin?
Gayun man, poot papawiin.
Ang 'Yong pagbalik hihintayin.

Sa bawat pagtawag Ko sa 'yo,
Sa bawat hakbang mong palayo,
Nananangis 'tong yaring puso;
Hangad pa rin ang piling mo

Koda:
Paanong di kita ibigin.

Previous Posts

Posts in our Archive