Pagmamahal sa Panginoon

Eddie Hontiveros, SJ

Koro:
Pag-mamahal sa Panginoon ay simula ng karunungan;
Ang kanyang kapuriha'y manatili magpakailanman.

Purihin ang Panginoon, Siya'y ating pasalamatan,
Sa pag-sasama at pag-titipon ng Kanyang mga anak.

Dakilang gawain ng D'yos, karapat-dapat parangalan,
Ng tanang mga taong sumasamba sa Kanya.

Kahanga-hanga ang gawa ng D'yos ng kal'walhatian,
Handog ay kaligtasan sa atin 'binibigay.

Paglingap Mo, Poon

Marius Villaroman


Koro:
o Poon paglingap Mo nawa'y idulot sa aming nang lubusan.

Minamahal Mo kaming lubos sa awa't biyaya'y puspos.
Paglingap sa 'mi'y pinagkaloob, inahon sa pagkasubasob.

Kinalugdan Mo kaming lahat ng pag-ibig na matapat.
At kahit na hindi nararapat, kami'y tinubos Mong ganap.

O D'yos h'wag sanang manghihinawa sa 'ming pagpapariwara.
Sa masama kami ay ilihis, 'pagkat 'Yong paglingap nais makamit.
Upang aming pusong sa sala'y tigib, maging kaisa Mong lagi.

Previous Posts

Posts in our Archive