Getty Atienza - Silvino Borres Jr., SJ - Manoling Francisco, SJ
Koro:
Ikaw, Hesus, ang tinapay ng buhay
Binasbasan, hinati't inialay
Buhay na ganap ang sa ami'y kaloob
At pagsasalong walang hanggan
Basbasan ang buhay naming handog
Nawa'y matulad sa pag-aalay Mo
Buhay na laan nang lubos
Sa mundong sa pag-ibig ay kapos
Marapatin sa kapwa maging tinapay
Kagalakan sa nalulumbay
Katarungan sa naaapi
At kanlungan ng bayan Mong sawi
At pagsasalong walang hanggan.
Pagpalain Kailanman
Arnel Aquino, SJ
Koro:
Nawa'y kahabagan tayo ng D'yos, at pagpalain kailanman!
Tayo nawa'y kahabagan ng Ama, tayo'y nilingap N'ya.
Makikilala sa lupa, Kanyang pagliligtas, pagmamahal.
Purihin S'ya mga bansa, ang Diyos ang Hari at Ama.
Tayo'y magpuri, magdiwang, 'pagkat katarunga'y namamayani.
Pinagpala tayo ng D'yos; daigdig Nya'y tigib kabanalan!
Bagong umagang sumikat, napawi ang takot at kaba,
D'yos naming Ama!
Koda:

Subscribe to:
Comments (Atom)