Arnel Aquino, SJ - Silvino Borres Jr., SJ - Nemy Que, SJ
Koro:
Panginoon ay purihin, Ngalan N'ya ay dakilain.

Panginoon, Ikaw ang may likha ng langit, dagat, at lupa,
Ng b'wan, araw, at mga bituin, Tanang nilalang sa papawirin.
Naglalagablab sa silanganan, pagmamahal Mo sa tanan.
Pag-ibig Mo ay walang hanggan, ito'y mananatili kailanpaman.
Aming awitin, sa tamis ay salat; kulang sa rikit ang aming salita.
Anong papuri ang nararapat kaya, sa tulad Mong dakila ang gawa?
Panginoon, aking Tanglaw
Fruto Ramirez, SJ
Panginoon, aking tanglaw, tanging Ikaw ang kaligtasan.
Sa panganib ingatan ako, ang lingkod Mong nananalig sa 'Yo
Koro:
Ang tawag ko'y 'Yong pakinggan, lingapin Mo at kahabagan.
Anyaya Mo'y lumapit sa 'Yo.
Huwag magkubli, huwag kang magtago.
Sa bawat sulok ng mundo, ang lingkod Mo'y hahanap sa 'Yo.

Sa masama, ilayo Mo ako, ang sugo Mong umiibig sa 'Yo.

Subscribe to:
Comments (Atom)