Patnubay

Assunta Cuyegkeng - R. Caguioa - M. Sta. Maria  - C. La Vina


Ang Iyong patnubay, aking hiling,
Sa mga landas na tatahakin.
Imulat Mo aking mata, linawin Mo aking isip.
Buksan Mo aking puso sa pag-ibig na Iyong tinatangi.

Alam kong ako'y isda ring dapat hulihin.
Ngunit sa 'Yong liwanag, ako'y sisikat.
Mangingisda kung ibig Mo. Alay ko ang lahat sa 'Yo.

Pari Magpakailanman

Danny Isidro, SJ - Eddie Hontiveros, SJ

Mula sa bayan ng Diyos pinili ka't hinirang
Ikaw ay Pari magpakailanman, Pari magpakailanman
Ang Diyos na banal ang sa'yo'y humirang
Pari magpakailanman, magpakailanman

Panginoo'y sumumpa, sumpang di niya babawiin:
Ikaw ay Pari magpakailanman katulad ni Hesus,
Paring walang hanggan, Paring kataastaasan.

Koda:
Mula sa bayan ng Diyos ika'y pinili't hinirang.
Ikaw ay Pari magpakailanman,
Pari magpakailanman.

Previous Posts

Posts in our Archive