Reyna ng Langit

Eddie Hontiveros, SJ

Reyna ng Langit, magalak ka! Aleluya, Aleluya!
Reyna ng Langit, magalak ka! Aleluya, Aleluya!
Sapagkat si Hesukristo ang Anak mo, Aleluya!
Sapagkat si Hesukristo ang Anak mo, Aleluya!

Magmuli Siyang nabuhay! Aleluya, Aleluya!
Magmuli Siyang nabuhay! Aleluya, Aleluya!

Ipanalangin kaming makasalanan.
Ipanalangin mo, Aleluya! Aleluya! Aleluya!

Purihi't Pasalamatan

Simplicio Esteban - Eddie Hontiveros, SJ

Koro:
Purihi't pasalamatan sa masayang awit.
Purihin natin at pasalamatan ang Diyos ng pag-ibig.

Sa 'Yo, Ama, salamat sa mayamang lupa't dagat,
At sa magandang kalikasan, at sa ating tanang buhay.

Salamat din kay Kristo: sa Kanyang halimbawa,
At sa buhay Niyang inialay, sa ating Kaligtasan.

At sa Espiritu Santo, salamat sa 'Yong tanglaw,
Na nagbibigay ng liwanag sa taong humahanap.

Previous Posts

Posts in our Archive