Sa Hapag ng Panginoon

Koro:
Sa hapag ng Panginoon, buong bayan ngayo'y nagtitipon,
Upang pagsaluhan ang kaligtasan, handog ng diyos sa tanan.

Sa panahong tigang ang lupa, sa panahong ang ani'y sagana,
Sa panahon ng digmaan at kaguluhan, sa panahon ng kapayapaan.

Ang mga dakila't dukha, ng banal at makasalanan,
Ang bulag at lumpo, ang api at sugatan, ang lahat ay inaanyayahan.

Sa 'ming pagdadalamhati, sa 'ming pagbibigay-puri,
Anupamang pagtangis, hapo't pasakit, ang Pangalan Nya'y sinasambit.

Koda:
Upang pagsaluhan ang kaligtasan,
Handog ng diyos sa tanan.

Lui Moreno - Manoling Francisco, SJ

Sa Dapit-Hapon

Bienvida Tabuena - Eddie Hontiveros, SJ

T'wing dakong dapit-hapon, minamasdan kong lagi,
Ang paglubog ng araw, hudyat ng takipsilim;
Ganyan ang aking buhay kung may dilim ang buwan,
Hihiwat sa baybayin sa pagsapit ng dilim.

Kung magawa ko lamang ang hangin ay mapigil,
At ang dilim ng hatinggabi, h'wag sanang magmamaliw!
Upang ang palakaya ay laging masagana,
Sa tangan kong liwanag ang kawa'y lalapit.

Nang dakong dapit-hapon, piging ng Panginoon,
Sa mga kaibigan ay maghuling hapunan.
Sa bagong salu-salo nagdiriwang ang bayan,
Ang tanging Kanyang hain ay sarili N'yang buhay.

Previous Posts

Posts in our Archive