Pag-aalay

Manoling Francisco, SJ

Panginoon, aming alay, itong alak at tinapay.
Sa altar Mo ilalagay, tanggapin sa Iyong kamay.

Alay namin, aming buhay, bawat galak at lumbay.
Bawat pangarap naming taglay sa palad Mo ilalagay.

Lahat ng aming mahal sa buhay, lahat ng aming aring taglay.
Talino at kalayaan sa'Yo ngayon ngayon iaalay.

Itong alak at tinapay magiging si Kristong tunay.

Gawin pati aming buhay pagkat sa 'Yo dumalisay.

Pag-aalaala

Manoling Franciscon, SJ

Koro:
Bayan, muling magtipon, awitan ang Panginoon.
Sa piging sariwain pagliligtas N'ya sa atin.

Bayan, ating alalahanin, panahong tayo'y inalipin
Nang ngalan Niya'y ating sambitin.
Paanong di tayo lingapin?

Bayan, walang sawang purihin ang Poon nating mahabagin.
Bayan, isayaw ang damdamin, kandili N'ya'y ating awitin.

Koda:
Sa piging sariwain, pagliligtas N'ya sa atin.

Previous Posts

Posts in our Archive