Bienvenida Tabuena - Eddie Hontiveros, SJ
Koro:
Sa piging ng ating Panginoon, tayo'y laging nagtitipon:
Upang matutong magmahalan sa pag-ibig na nakamtan.
Buhay ay inialay N'ya, sa Dakilang Diyos Ama.
Upang atin nang makamtan: Buhay na walang hanggan.
Buhay ay inialay N'ya, Upang tayo'y magkaisa,
Sa paghahatid ng ligaya mula sa pag-ibig N'ya.
May galak na makakamtan sa bawat pag-bibigayan,
Habang buhay ay ingatan ang tapat na samahan.
Sa Piging na Handog
Aldrin Carlos - Marius Villaroman
Koro:
Ating dakilain at sambahin ang Panginoong butihin,
Ialay mga awitin sa piging na handog N'ya sa 'tin.
Tayo'y mag bigay galang sa D'yos na sa 'ti'y may lalang.
Tana'y inako N'ya't hinirang kawang iniingatan.
Ang salita N'ya'y bumubuhay sa puso ng kanyang bayan.
Ating dinggin at laging awitin himig ng pag-ibig N'ya sa 'tin.
Koda:

Subscribe to:
Comments (Atom)