Roderick Castro - Marius Villaroman
Tinawag Mo ako, O Panginoon, Dagli akong tumugon sa tinig Mo.
Tanda ng pasasalamat sa pag-ibig Mo, na sa t'wina'y nadarama ko
Ako'y namangha, sa 'Yong kabutihan; tunay na wala Kang katulad.
Koro:
Sa bawat sandali ng aking buhay Ikaw ang s'yang gabay.
Sa oras ng lungkot, pagkabigo, ako'y muling binubuo.
Luha ko't pasakit ay Iyong pinaparam.
Sa paglubog nitong araw, sa pagsapit ng dilim,
Ang tangi kong hiling ay humimlay sa 'Yong piling.
Labis ang galak ko, Panginoon, 'pagkat Ikaw lamang sa buhay ko.
Kagandahang-loob Mo ay walang hanggan. Biyayang lubos kailanman.
Katapatan Mo ay di-magmamaliw. Kailan pa ma'y s'yang aking sandigan.
Sa 'Yo Lamang
Silvino Borres Jr.,SJ - Philip Gan - Manoling Francisco, SJ
Puso ko'y binihag Mo, sa tamis ng pagsuyo.
Tanggaping yaring alay; ako'y Iyo habang buhay.
Anhin pa ang kayamanan? Luho at karangalan?
Kung Ika'y mapasa-'kin, lahat na nga ay kakamtin.
Koro:
Sa 'Yo lamang ang puso ko, sa 'Yo lamang ang buhay ko.
Kalinisan, pagdaralita, pagtalima'y aking sumpa.
Tangan kong kalooban, sa Iyo'y nilalaan,
Dahil atas ng pagsuyo, tumatalima lamang sa'Yo.

Subscribe to:
Comments (Atom)