Ando Macalinao, SJ - Eddie Hontiveros, SJ
Saan kami tutungo, kaming makasalanan?
Saan kami susulong, dahas laging kapisan?
Ikaw, Hesus, ang susundan. Ikaw, Poon, ang hantungan.
Sino kayang uusig sa di makatarungan?
Sino kayang lulupig, sakim na umiiral?
Sa sinumang sa Diyos mulat, katarungang magbubuhat.
Kaloob Mong talino, atas Mo'y pagyamanin,
Sa pakikihamok, lagi naming gamitin.
Karahasa'y pipilitin, kamali-a'y tutuwirin.
Sa 'Yong Piling
Roderick Castro - Marius Villaroman
Tinawag Mo ako, O Panginoon, Dagli akong tumugon sa tinig Mo.
Tanda ng pasasalamat sa pag-ibig Mo, na sa t'wina'y nadarama ko
Ako'y namangha, sa 'Yong kabutihan; tunay na wala Kang katulad.
Koro:
Sa bawat sandali ng aking buhay Ikaw ang s'yang gabay.
Sa oras ng lungkot, pagkabigo, ako'y muling binubuo.
Luha ko't pasakit ay Iyong pinaparam.
Sa paglubog nitong araw, sa pagsapit ng dilim,
Ang tangi kong hiling ay humimlay sa 'Yong piling.
Labis ang galak ko, Panginoon, 'pagkat Ikaw lamang sa buhay ko.
Kagandahang-loob Mo ay walang hanggan. Biyayang lubos kailanman.
Katapatan Mo ay di-magmamaliw. Kailan pa ma'y s'yang aking sandigan.

Subscribe to:
Comments (Atom)