Sambayanang Binuklod

Arnel Aquino, SJ

Koro:
Sambayanang binuklod sa pag-ibig ni Kristo, magdiwang!
Sambayanang pinatawad at biniyayaan, magpuri na!
Di ka man karapat-dapat, di pa rin pababayaan at
sa puso ng D'yos may pitak tayong lahat.

Bilin niya na lahat tayo'y
Magpatawad, magmahalan.
Turing niya sa ating lahat,
Kaibigan niya't di utusan.

Mithi niya sa kanyang bayan
Maglingkod na taos-puso,
Kupkupin ang maralita,
Mahalin ang aba ng mundo.

Tanglawan N'yo nawa, Hesus,
Ang tinipon N'yong Simbahan,
At dalhin sa paglawig ng Pananampalataya't dangal!

Koda:
..sa puso ng D'yos may pitak tayong lahat.

Salve Regina (O santa Maria)

Eddie Hontiveros, SJ

O Santa Maria, O Reyna't Ina ng Awa, Ika'y aming buhay, pag-asa't katamisan.
Sa 'yo nga kami tumatawag, pinapanaw na 'nak ni Eva;
Sa 'yo rin kami tumatangis, dini sa lupang bayang kahapis-hapis.

Kaya't ilingon mo sa amin ang mga mata mong maawain,
At saka kung matapos aming pagpanaw, ipakita mo sa amin:
Ang iyong anak na si Hesus. O magiliw, maawain, matamis na Birheng Maria.

Previous Posts

Posts in our Archive