Tim Ofrasio, SJ - Eddie Hontiveros, SJ
San Ignacio, kawal ni Kristo, tanggulan laban sa mapanilong tukso.
Ang bandila ng krus ni Kristo, tangan mo, sindak ng dilim at lilo.
Ang kapatirang natatangi sa iyo, niloob mong magpuri sa ngalan ni Hesus.
Uusigin, buong giting, naghaharing sala sa mundo.
Patnubayan, saan mang dako, ang mga kapatid mong galak ay sa ‘yo.
Ang gawain sa kahirapan, kalinisa’t ganap na pagtalima.
Marapatin mong sana ay maging tapat, sa sumpa at pangakong binigkas, buong galak; Nang magpuri at magpugay kay Hesus, ligaya ng buhay.
Luwalhatiin, tanang mga tao: si Hesus na Hari ng mundo!
Sambayanang Binuklod
Arnel Aquino, SJ
Koro:
Sambayanang binuklod sa pag-ibig ni Kristo, magdiwang!
Sambayanang pinatawad at biniyayaan, magpuri na!
Di ka man karapat-dapat, di pa rin pababayaan at
sa puso ng D'yos may pitak tayong lahat.
Bilin niya na lahat tayo'y
Magpatawad, magmahalan.
Turing niya sa ating lahat,
Kaibigan niya't di utusan.
Mithi niya sa kanyang bayan
Maglingkod na taos-puso,
Kupkupin ang maralita,
Mahalin ang aba ng mundo.
Tanglawan N'yo nawa, Hesus,
Ang tinipon N'yong Simbahan,
At dalhin sa paglawig ng Pananampalataya't dangal!
Koda:
..sa puso ng D'yos may pitak tayong lahat.

Subscribe to:
Comments (Atom)