Sino'ng Makapaghiwalay

Sr. Maria Anunciata Sta. Ana, SPC

Koro:
Sino’ng makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Kristo?
Sino’ng makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos?


Paghihirap ba? Kapighatian, pag-uusig o gutom o tabak?
At kahit na ang kamatayan, walang makapaghihiwalay sa atin
Sa pag-ibig ng D'yos.

Ang Ama kayang mapagtangkilik, o anak na nag-alay ng lahat;
Saan man sa langit o lupa, walang makapaghihiwalay sa atin
Sa pag-ibig ng D'yos.

Sanlibong Buhay

Jandi Arboleda - Manoling Francisco, SJ

Sanlibo man aking buhay,
bawat isa'y iaalay
sa Diyos at bayan kong mahal,
'sasanggalang inyong dangal.
Isugo Mo kahit saan,
hamakin man ako't saktan,
Dalangin ko'y maging tapat,
Pag-ibig Mo ay sasapat.

Sanlibo man aking buhay, sanlibo ring iaalay.
Sanlibo kong kamatayan, sa palad Mo ilalaan.
Sanlibo man aking buhay, sanlibo ring iaalay.
Sanlibo kong kamatayan, sa palad Mo ilalaan.

Previous Posts

Posts in our Archive